Saturday, February 25, 2017

Paglalakbay sa Munting Paraiso: El Nido
Maraming nagsasabi na ang El Nido ay isa sa pinakamagandang lugar sa Palawan. Isa ito sa mga tanyag na lugar.Tara lakbayin natin ang El Nido!!

Masasabi kong napakagandamg lugar nito.Bukod sa nakakarelax, marami ring matatagpuang mga nakakamanghang limestone cliffs na lalong nagpapaganda sa lugar nito. Matatagpuan dito ang nagpuputiang mga buhangin at malilinis na tubig dagat ng mga iba’t ibang dagat sa El Nido. Kung ikaw naman ay malakas ang loob, maaari mo ring subukan ang mga aktibidad tulad ng rock climbing,zipline,pagsakay sa bangka,scuba diving at iba pa. Mayroon ding mga tanyag na pagkain sa lugar na El Nido katulad ng mga alimango,hipon,isda at iba pang lamang dagat. Mayroon ring mga bilihan ng mga souvenirs doon na makapagpapaalala sa yo ng iyong karanasan sa el nido.
Kaya kayo kung gusto niyo ring maranasan ang aming natunghayan. Mabuti pa ay pumunta na sa El Nido-kung saan makakapagrelax ka at makakalimutan panandalian ang iyong mga problema. Ano pang hinihintay mo diyan? Tara na’t maglakbay sa El Nido.


No comments:

Post a Comment